11Pero sinabi ni Naomi, “Umuwi na kayo, mga anak. Bakit pa kayo sasáma sa akin? Magkakaanak pa ba ako ng mga lalaking mapapangasawa ninyo? Umuwi na kayo, mga anak, sapagkat matanda na ako at hindi na magkakaasawa pa. Ipagpalagay man natin na makapag-asawa nga ako ngayong gabi at magkaanak pa,
13hihintayin nʼyo ba silang lumaki? Hindi ba kayo mag-aasawa dahil sa kanila? Hindi maaari mga anak. Ang totoo, mas mapait ang sinapit ko kaysa sa inyo, dahil pinahirapan ako ng Panginoon.”
14At umiyak na naman sila nang malakas. Pagkatapos, hinalikan ni Orpa ang biyenan niya at umuwi, habang si Ruth naman ay nagpaiwang kasama ni Naomi.
15Sinabi ni Naomi, “Bumalik na ang bilas mo sa mga kababayan niya at sa kanyang diyos, kaya sumáma ka na rin sa kanya.”