13hihintayin nʼyo ba silang lumaki? Hindi ba kayo mag-aasawa dahil sa kanila? Hindi maaari mga anak. Ang totoo, mas mapait ang sinapit ko kaysa sa inyo, dahil pinahirapan ako ng Panginoon.”
14At umiyak na naman sila nang malakas. Pagkatapos, hinalikan ni Orpa ang biyenan niya at umuwi, habang si Ruth naman ay nagpaiwang kasama ni Naomi.
15Sinabi ni Naomi, “Bumalik na ang bilas mo sa mga kababayan niya at sa kanyang diyos, kaya sumáma ka na rin sa kanya.”
16Ngunit sumagot si Ruth, “Huwag po ninyo akong piliting iwan kayo o talikuran, dahil kung saan kayo pupunta, doon din ako pupunta, at kung saan kayo titira, doon din po ako titira. Ang inyong mga kababayan ay magiging aking mga kababayan, at ang inyong Diyos ay Diyos ko rin.