17Kung saan kayo mamamatay, doon din po ako mamamatay at ililibing. Parusahan nawa ako ng Panginoon nang mabigat kapag humiwalay ako sa inyo, maliban na lang kung ang kamatayan na ang maghihiwalay sa ating dalawa.”
18Nang makita ni Naomi na desidido si Ruth na sumáma sa kanya, tumahimik na lang siya.
19Kaya nagpatuloy silang dalawa sa paglalakbay hanggang sa nakarating sila sa Bethlehem. Nabigla ang mga tao roon sa kanilang pagdating. Sinabi ng mga babae, “Si Naomi ba talaga ito?”
20Sinabi ni Naomi sa kanila, “Huwag nʼyo na akong tawaging Naomi, kundi tawagin ninyo akong Mara, dahil pinapait ng Diyos na Makapangyarihan ang buhay ko.
21Pag-alis ko rito ay nasa sa akin ang lahat, pero ibinalik ako ng Panginoon nang walang-wala. Kaya huwag na ninyo akong tawaging Naomi, dahil pinahirapan ako ng Makapangyarihang Panginoon.”