Ruth 1

Sinabi ni Naomi sa kanila, “Huwag nʼyo na akong tawaging Naomi, kundi tawagin ninyo akong Mara, dahil pinapait ng Diyos na Makapangyarihan ang buhay ko.

Ruth 1:20 (UKJV) And she said unto them, Call me not Naomi, call me Mara: for the Almighty has dealt very bitterly with me.

18Nang makita ni Naomi na desidido si Ruth na sumáma sa kanya, tumahimik na lang siya.

19Kaya nagpatuloy silang dalawa sa paglalakbay hanggang sa nakarating sila sa Bethlehem. Nabigla ang mga tao roon sa kanilang pagdating. Sinabi ng mga babae, “Si Naomi ba talaga ito?”

20Sinabi ni Naomi sa kanila, “Huwag nʼyo na akong tawaging Naomi, kundi tawagin ninyo akong Mara, dahil pinapait ng Diyos na Makapangyarihan ang buhay ko.

21Pag-alis ko rito ay nasa sa akin ang lahat, pero ibinalik ako ng Panginoon nang walang-wala. Kaya huwag na ninyo akong tawaging Naomi, dahil pinahirapan ako ng Makapangyarihang Panginoon.”

22Nagsisimula pa lang ang anihan ng sebada nang dumating si Naomi sa Bethlehem kasama ang manugang niyang si Ruth na Moabita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.