20Sinabi ni Naomi sa kanila, “Huwag nʼyo na akong tawaging Naomi, kundi tawagin ninyo akong Mara, dahil pinapait ng Diyos na Makapangyarihan ang buhay ko.
21Pag-alis ko rito ay nasa sa akin ang lahat, pero ibinalik ako ng Panginoon nang walang-wala. Kaya huwag na ninyo akong tawaging Naomi, dahil pinahirapan ako ng Makapangyarihang Panginoon.”
22Nagsisimula pa lang ang anihan ng sebada nang dumating si Naomi sa Bethlehem kasama ang manugang niyang si Ruth na Moabita.