Ruth 1

Ang pangalan ng lalaki ay Elimelec, at ang pangalan naman ng asawa niya ay Naomi; at ang dalawang anak nila ay sina Mahlon at Kilion. Sila ay mula sa angkan ni Efrata sa Bethlehem na sakop ng Juda. Habang naroon sila sa Moab,

Ruth 1:2 (UKJV) And the name of the man was Elimelech, and the name of his wife Naomi, and the name of his two sons Mahlon and Chilion, Ephrathites of Bethlehemjudah. And they came into the country of Moab, and continued there.

1Noong panahong ang mga hukom pa ang namumuno sa Israel, nagkaroon ng taggutom sa lupain. May isang lalaking taga-Bethlehem ng Juda na pumunta sa Moab kasama ang asawa niya at dalawang anak na lalaki para doon muna manirahan.

2Ang pangalan ng lalaki ay Elimelec, at ang pangalan naman ng asawa niya ay Naomi; at ang dalawang anak nila ay sina Mahlon at Kilion. Sila ay mula sa angkan ni Efrata sa Bethlehem na sakop ng Juda. Habang naroon sila sa Moab,

3namatay si Elimelec, kaya si Naomi at ang dalawa niyang anak na lalaki ang naiwan.

4Nag-asawa ang kanyang mga anak ng mga Moabita. Ang pangalan ng isa ay Orpa at Ruth naman ang isa. Pagkalipas ng mga sampung taon,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.