Ruth 1

Nag-asawa ang kanyang mga anak ng mga Moabita. Ang pangalan ng isa ay Orpa at Ruth naman ang isa. Pagkalipas ng mga sampung taon,

Ruth 1:4 (UKJV) And they took them wives of the women of Moab; the name of the one was Orpah, and the name of the other Ruth: and they dwelled there about ten years.

2Ang pangalan ng lalaki ay Elimelec, at ang pangalan naman ng asawa niya ay Naomi; at ang dalawang anak nila ay sina Mahlon at Kilion. Sila ay mula sa angkan ni Efrata sa Bethlehem na sakop ng Juda. Habang naroon sila sa Moab,

3namatay si Elimelec, kaya si Naomi at ang dalawa niyang anak na lalaki ang naiwan.

4Nag-asawa ang kanyang mga anak ng mga Moabita. Ang pangalan ng isa ay Orpa at Ruth naman ang isa. Pagkalipas ng mga sampung taon,

5namatay sina Mahlon at Kilion, kaya si Naomi na lang ang naiwan.

6Nabalitaan ni Naomi sa Moab na kinalinga ng Panginoon ang bayan niya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mabuting ani, kaya naghanda siya at ang mga manugang niya para bumalik sa Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.