Ruth 1

Nabalitaan ni Naomi sa Moab na kinalinga ng Panginoon ang bayan niya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mabuting ani, kaya naghanda siya at ang mga manugang niya para bumalik sa Juda.

Ruth 1:6 (UKJV) Then she arose with her daughters in law, that she might return from the country of Moab: for she had heard in the country of Moab how that the LORD had visited his people in giving them bread.

4Nag-asawa ang kanyang mga anak ng mga Moabita. Ang pangalan ng isa ay Orpa at Ruth naman ang isa. Pagkalipas ng mga sampung taon,

5namatay sina Mahlon at Kilion, kaya si Naomi na lang ang naiwan.

6Nabalitaan ni Naomi sa Moab na kinalinga ng Panginoon ang bayan niya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mabuting ani, kaya naghanda siya at ang mga manugang niya para bumalik sa Juda.

7At habang naglalakbay na sila pabalik sa Juda,

8sinabi ni Naomi sa dalawang manugang niya, “Bumalik na lang kayo sa inyong mga ina. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon dahil sa mabuti ninyong pakikitungo sa mga yumao ninyong asawa at sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.