6Nabalitaan ni Naomi sa Moab na kinalinga ng Panginoon ang bayan niya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mabuting ani, kaya naghanda siya at ang mga manugang niya para bumalik sa Juda.
7At habang naglalakbay na sila pabalik sa Juda,
8sinabi ni Naomi sa dalawang manugang niya, “Bumalik na lang kayo sa inyong mga ina. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon dahil sa mabuti ninyong pakikitungo sa mga yumao ninyong asawa at sa akin.
9At loobin sana ng Panginoon na makapag-asawa kayong muli para magkaroon kayo ng maayos na kalagayan sa panibagong tahanan.” Pagkatapos, hinalikan sila ni Naomi. Humagulgol sila
10at sinabi sa kanya, “Sasáma kami sa inyo sa pagbalik nʼyo sa mga kababayan ninyo.”