Ruth 2

Sumagot si Boaz, “May nagkuwento sa akin ng lahat ng ginawa mo para sa biyenan mong babae mula pa noong nabiyuda ka. Iniwan mo raw ang mga magulang mo at ang bayang sinilangan mo para manirahang kasama ng mga taong hindi mo kilala.

Ruth 2:11 (UKJV) And Boaz answered and said unto her, It has fully been showed me, all that you have done unto your mother in law since the death of yours husband: and how you have left your father and your mother, and the land of your nativity, and are come unto a people which you knew not in time past.

9Tingnan mo kung saan nag-aani ang mga tauhan ko at sumunod ka sa mga utusan kong babae. Sinabihan ko na ang mga tauhan ko na huwag kang galawin. At kapag nauhaw ka, uminom ka lang sa mga tapayan na inigiban ng mga tauhan ko.”

10Nagpatirapa si Ruth sa harapan ni Boaz at sinabi, “Bakit napakabuti nʼyo po sa akin gayong dayuhan lang ako?”

11Sumagot si Boaz, “May nagkuwento sa akin ng lahat ng ginawa mo para sa biyenan mong babae mula pa noong nabiyuda ka. Iniwan mo raw ang mga magulang mo at ang bayang sinilangan mo para manirahang kasama ng mga taong hindi mo kilala.

12Pagpalain ka nawa ng Panginoon dahil sa iyong ginawa. Malaking gantimpala nawa ang matanggap mo mula sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, na siyang pinagkanlungan mo.”

13Sinabi ni Ruth, “Napakabuti po ninyo sa akin. Pinalakas ninyo ang loob ko at sinabihan ng mabuti kahit hindi ako isa sa mga utusan ninyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.