Ruth 2

Nagpatirapa si Ruth sa harapan ni Boaz at sinabi, “Bakit napakabuti nʼyo po sa akin gayong dayuhan lang ako?”

Ruth 2:10 (UKJV) Then she fell on her face, and bowed herself to the ground, and said unto him, Why have I found grace in yours eyes, that you should take knowledge of me, seeing I am a stranger?

8Sinabi ni Boaz kay Ruth, “Anak, makinig ka. Huwag ka nang pumunta sa ibang bukid para mamulot ng mga nalaglag. Dito ka na lang mamulot kasama ng mga utusan kong babae.

9Tingnan mo kung saan nag-aani ang mga tauhan ko at sumunod ka sa mga utusan kong babae. Sinabihan ko na ang mga tauhan ko na huwag kang galawin. At kapag nauhaw ka, uminom ka lang sa mga tapayan na inigiban ng mga tauhan ko.”

10Nagpatirapa si Ruth sa harapan ni Boaz at sinabi, “Bakit napakabuti nʼyo po sa akin gayong dayuhan lang ako?”

11Sumagot si Boaz, “May nagkuwento sa akin ng lahat ng ginawa mo para sa biyenan mong babae mula pa noong nabiyuda ka. Iniwan mo raw ang mga magulang mo at ang bayang sinilangan mo para manirahang kasama ng mga taong hindi mo kilala.

12Pagpalain ka nawa ng Panginoon dahil sa iyong ginawa. Malaking gantimpala nawa ang matanggap mo mula sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, na siyang pinagkanlungan mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.