Ruth 2

Nang oras na para kumain, sinabi ni Boaz kay Ruth, “Halika, kumuha ka ng tinapay at isawsaw mo sa suka.” Kaya naupo si Ruth kasama ng mga tagapag-ani, at inabután siya ni Boaz ng binusang trigo. Kumain siya hanggang sa nabusog, at may natira pa siya.

Ruth 2:14 (UKJV) And Boaz said unto her, At mealtime come you here, and eat of the bread, and dip your morsel in the vinegar. And she sat beside the reapers: and he reached her parched corn, and she did eat, and was sufficed, and left.

12Pagpalain ka nawa ng Panginoon dahil sa iyong ginawa. Malaking gantimpala nawa ang matanggap mo mula sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, na siyang pinagkanlungan mo.”

13Sinabi ni Ruth, “Napakabuti po ninyo sa akin. Pinalakas ninyo ang loob ko at sinabihan ng mabuti kahit hindi ako isa sa mga utusan ninyo.”

14Nang oras na para kumain, sinabi ni Boaz kay Ruth, “Halika, kumuha ka ng tinapay at isawsaw mo sa suka.” Kaya naupo si Ruth kasama ng mga tagapag-ani, at inabután siya ni Boaz ng binusang trigo. Kumain siya hanggang sa nabusog, at may natira pa siya.

15Nang tumayo na si Ruth para mamulot ulit ng mga nalaglag na uhay, nag-utos si Boaz sa mga tauhan niya, “Huwag ninyong hihiyain si Ruth kahit mamulot pa siya malapit sa mga binigkis na uhay.

16Kumuha kayo ng mga uhay sa mga binigkis at mag-iwan para sa kanya, at huwag nʼyo siyang sasawayin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.