Ruth 2

Nang tumayo na si Ruth para mamulot ulit ng mga nalaglag na uhay, nag-utos si Boaz sa mga tauhan niya, “Huwag ninyong hihiyain si Ruth kahit mamulot pa siya malapit sa mga binigkis na uhay.

Ruth 2:15 (UKJV) And when she was risen up to glean, Boaz commanded his young men, saying, Let her glean even among the sheaves, and reproach her not:

13Sinabi ni Ruth, “Napakabuti po ninyo sa akin. Pinalakas ninyo ang loob ko at sinabihan ng mabuti kahit hindi ako isa sa mga utusan ninyo.”

14Nang oras na para kumain, sinabi ni Boaz kay Ruth, “Halika, kumuha ka ng tinapay at isawsaw mo sa suka.” Kaya naupo si Ruth kasama ng mga tagapag-ani, at inabután siya ni Boaz ng binusang trigo. Kumain siya hanggang sa nabusog, at may natira pa siya.

15Nang tumayo na si Ruth para mamulot ulit ng mga nalaglag na uhay, nag-utos si Boaz sa mga tauhan niya, “Huwag ninyong hihiyain si Ruth kahit mamulot pa siya malapit sa mga binigkis na uhay.

16Kumuha kayo ng mga uhay sa mga binigkis at mag-iwan para sa kanya, at huwag nʼyo siyang sasawayin.”

17Kaya namulot si Ruth ng mga nalaglag na uhay hanggang sa lumubog ang araw. At nang magiik na niya ang naipon niyang sebada ay umabot ito ng mga kalahating sako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.