15Nang tumayo na si Ruth para mamulot ulit ng mga nalaglag na uhay, nag-utos si Boaz sa mga tauhan niya, “Huwag ninyong hihiyain si Ruth kahit mamulot pa siya malapit sa mga binigkis na uhay.
16Kumuha kayo ng mga uhay sa mga binigkis at mag-iwan para sa kanya, at huwag nʼyo siyang sasawayin.”
17Kaya namulot si Ruth ng mga nalaglag na uhay hanggang sa lumubog ang araw. At nang magiik na niya ang naipon niyang sebada ay umabot ito ng mga kalahating sako.
18Dinala niya ito pauwi sa bayan at ipinakita sa kanyang biyenang si Naomi. Pagkatapos kinuha niya ang natira niyang pagkain at ibinigay kay Naomi.
19Nagtanong si Naomi sa kanya, “Saan ka namulot ng mga nalaglag na uhay kanina? Kaninong bukirin? Pagpalain nawa ang taong nagmagandang-loob sa iyo!” Ikinuwento ni Ruth kay Naomi na doon siya namulot sa bukid ng taong ang pangalan ay Boaz.