17Kaya namulot si Ruth ng mga nalaglag na uhay hanggang sa lumubog ang araw. At nang magiik na niya ang naipon niyang sebada ay umabot ito ng mga kalahating sako.
18Dinala niya ito pauwi sa bayan at ipinakita sa kanyang biyenang si Naomi. Pagkatapos kinuha niya ang natira niyang pagkain at ibinigay kay Naomi.
19Nagtanong si Naomi sa kanya, “Saan ka namulot ng mga nalaglag na uhay kanina? Kaninong bukirin? Pagpalain nawa ang taong nagmagandang-loob sa iyo!” Ikinuwento ni Ruth kay Naomi na doon siya namulot sa bukid ng taong ang pangalan ay Boaz.
20Sinabi ni Naomi kay Ruth, “Pagpalain nawa ng Panginoon si Boaz. Ipinapakita niya ang kanyang kabutihan sa mga taong buháy pa at sa mga patay na.” At sinabi pa niya, “Si Boaz na sinasabi mo ay malapít nating kamag-anak; isa siya sa ating kamag-anak na manunubos.”
21Sinabi ni Ruth kay Naomi, “Sinabi pa po ni Boaz sa akin na sa mga tauhan lang niya ako sumáma sa pamumulot hanggang matapos ang lahat ng mga aanihin niya.”