Ruth 2

Sinabi ni Ruth kay Naomi, “Sinabi pa po ni Boaz sa akin na sa mga tauhan lang niya ako sumáma sa pamumulot hanggang matapos ang lahat ng mga aanihin niya.”

Ruth 2:21 (UKJV) And Ruth the Moabitess said, He said unto me also, You shall keep fast by my young men, until they have ended all my harvest.

19Nagtanong si Naomi sa kanya, “Saan ka namulot ng mga nalaglag na uhay kanina? Kaninong bukirin? Pagpalain nawa ang taong nagmagandang-loob sa iyo!” Ikinuwento ni Ruth kay Naomi na doon siya namulot sa bukid ng taong ang pangalan ay Boaz.

20Sinabi ni Naomi kay Ruth, “Pagpalain nawa ng Panginoon si Boaz. Ipinapakita niya ang kanyang kabutihan sa mga taong buháy pa at sa mga patay na.” At sinabi pa niya, “Si Boaz na sinasabi mo ay malapít nating kamag-anak; isa siya sa ating kamag-anak na manunubos.”

21Sinabi ni Ruth kay Naomi, “Sinabi pa po ni Boaz sa akin na sa mga tauhan lang niya ako sumáma sa pamumulot hanggang matapos ang lahat ng mga aanihin niya.”

22Sinabi naman ni Naomi kay Ruth, “Anak, mabuti nga na sa mga utusan niyang babae ka sumáma, dahil baka kung ano pa ang mangyari sa iyo sa ibang bukid.”

23Kaya sumáma si Ruth sa mga utusang babae ni Boaz sa pamumulot ng mga nalaglag na uhay hanggang sa matapos ang anihan ng sebada at trigo. At patuloy siyang nanirahan kasama ng biyenan niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.