Ruth 3

Kaya natulog si Ruth sa paanan ni Boaz hanggang sa mag-umaga, pero madilim-dilim pa ay bumangon na si Ruth para hindi siya makilala, dahil ayaw ni Boaz na may makaalam na pumunta si Ruth doon sa giikan niya.

Ruth 3:14 (UKJV) And she lay at his feet until the morning: and she rose up before one could know another. And he said, Let it not be known that a woman came into the floor.

12Totoong malapít mo akong kamag-anak na may tungkuling tubusin ka, pero mayroon ka pang mas malapít na kamag-anak kaysa sa akin.

13Dumito ka muna ngayong gabi. Bukas nang umaga, kung gagampanan niya ang tungkulin niya saʼyo, mabuti; kung hindi, isinusumpa ko sa buháy na Panginoon na gagampanan ko ang tungkulin ko saʼyo. Sige, dito ka muna matulog hanggang umaga.”

14Kaya natulog si Ruth sa paanan ni Boaz hanggang sa mag-umaga, pero madilim-dilim pa ay bumangon na si Ruth para hindi siya makilala, dahil ayaw ni Boaz na may makaalam na pumunta si Ruth doon sa giikan niya.

15Sinabi ni Boaz, “Dalhin mo rito sa akin ang balabal mo at ilatag mo.” Inilatag ito ni Ruth, at nilagyan ni Boaz ng mga anim na kilong sebada at ipinapasan kay Ruth. At bumalik si Ruth sa bayan.

16Pagdating ni Ruth sa biyenan niya, tinanong siya, “Kumusta, anak?” Ikinuwento naman ni Ruth ang lahat ng ginawa ni Boaz.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.