Ruth 3

Sinabi ni Boaz, “Dalhin mo rito sa akin ang balabal mo at ilatag mo.” Inilatag ito ni Ruth, at nilagyan ni Boaz ng mga anim na kilong sebada at ipinapasan kay Ruth. At bumalik si Ruth sa bayan.

Ruth 3:15 (UKJV) Also he said, Bring the vail that you have upon you, and hold it. And when she held it, he measured six measures of barley, and laid it on her: and she went into the city.

13Dumito ka muna ngayong gabi. Bukas nang umaga, kung gagampanan niya ang tungkulin niya saʼyo, mabuti; kung hindi, isinusumpa ko sa buháy na Panginoon na gagampanan ko ang tungkulin ko saʼyo. Sige, dito ka muna matulog hanggang umaga.”

14Kaya natulog si Ruth sa paanan ni Boaz hanggang sa mag-umaga, pero madilim-dilim pa ay bumangon na si Ruth para hindi siya makilala, dahil ayaw ni Boaz na may makaalam na pumunta si Ruth doon sa giikan niya.

15Sinabi ni Boaz, “Dalhin mo rito sa akin ang balabal mo at ilatag mo.” Inilatag ito ni Ruth, at nilagyan ni Boaz ng mga anim na kilong sebada at ipinapasan kay Ruth. At bumalik si Ruth sa bayan.

16Pagdating ni Ruth sa biyenan niya, tinanong siya, “Kumusta, anak?” Ikinuwento naman ni Ruth ang lahat ng ginawa ni Boaz.

17At sinabi pa ni Ruth, “Ayaw po ni Boaz na umuwi ako sa inyo nang walang dala, kaya binigyan niya ako nitong anim na kilong sebada.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.