14Sinabi ng mga kababaihan kay Naomi, “Purihin ang Panginoon, siya na nagbigay saʼyo ngayon ng kamag-anak na manunubos. Nawaʼy maging tanyag siya sa Israel!
15Palalakasin at aalagaan ka niya kapag matanda ka na, dahil anak siya ng manugang mo na nagmamahal sa iyo nang higit pa sa pagmamahal ng pitong anak na lalaki.”
16Kinuha ni Naomi ang bata at kinalong. At siya ang naging tagapag-alaga nito.
17Sinabi ng mga babaeng kapitbahay ni Naomi, “May apong lalaki na si Naomi!” Pinangalanan nila ang bata ng Obed. Siya ang ama ni Jesse na ama ni David.
18Ito ang angkan ni Peres hanggang kay David: Si Perez ang ama ni Hezron,