Ruth 4

Sinabi ng mga kababaihan kay Naomi, “Purihin ang Panginoon, siya na nagbigay saʼyo ngayon ng kamag-anak na manunubos. Nawaʼy maging tanyag siya sa Israel!

Ruth 4:14 (UKJV) And the women said unto Naomi, Blessed be the LORD, which has not left you this day without a kinsman, that his name may be famous in Israel.

12Nawaʼy magpatanyag sa pamilya mo ang mga anak na ibibigay sa iyo ng Panginoon sa pamamagitan ng babaeng iyon katulad ng pamilya ni Peres, ang anak ni Juda kay Tamar.”

13Kaya nagpakasal si Boaz kay Ruth, at niloob ng Panginoon na magdalantao si Ruth at manganak ng isang lalaki.

14Sinabi ng mga kababaihan kay Naomi, “Purihin ang Panginoon, siya na nagbigay saʼyo ngayon ng kamag-anak na manunubos. Nawaʼy maging tanyag siya sa Israel!

15Palalakasin at aalagaan ka niya kapag matanda ka na, dahil anak siya ng manugang mo na nagmamahal sa iyo nang higit pa sa pagmamahal ng pitong anak na lalaki.”

16Kinuha ni Naomi ang bata at kinalong. At siya ang naging tagapag-alaga nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.