10At bukod pa rito, pakakasalan ko si Ruth na Moabita, na biyuda ni Mahlon, para kapag nagkaanak kamiʼy mananatili ang lupain ni Mahlon sa kanyang pamilya, at hindi mawawala ang lahi niya sa kanyang mga kababayan. Saksi nga kayo sa araw na ito!”
11Sumagot ang mga tagapamahala ng bayan at ang lahat ng tao roon sa pintuan, “Oo, mga saksi nga kami. Nawaʼy bigyan din ng Panginoon ng maraming mga anak ang magiging asawa mo, katulad nina Raquel at Lea na pinagmulan ng bayan ng Israel. Nawaʼy maging mayaman ka sa Efrata at maging tanyag sa Bethlehem.
12Nawaʼy magpatanyag sa pamilya mo ang mga anak na ibibigay sa iyo ng Panginoon sa pamamagitan ng babaeng iyon katulad ng pamilya ni Peres, ang anak ni Juda kay Tamar.”
13Kaya nagpakasal si Boaz kay Ruth, at niloob ng Panginoon na magdalantao si Ruth at manganak ng isang lalaki.
14Sinabi ng mga kababaihan kay Naomi, “Purihin ang Panginoon, siya na nagbigay saʼyo ngayon ng kamag-anak na manunubos. Nawaʼy maging tanyag siya sa Israel!