8Kaya nang sabihin ng lalaki kay Boaz, “Ikaw na lang ang tumubos ng lupa,” hinubad agad niya ang kanyang sandalyas at ibinigay kay Boaz.
9Sinabi ni Boaz sa mga tagapamahala ng bayan at sa lahat ng tao roon, “Saksi kayo ngayong araw na nabili ko na kay Naomi ang lahat ng lupain ni Elimelec, Kilion at Mahlon.
10At bukod pa rito, pakakasalan ko si Ruth na Moabita, na biyuda ni Mahlon, para kapag nagkaanak kamiʼy mananatili ang lupain ni Mahlon sa kanyang pamilya, at hindi mawawala ang lahi niya sa kanyang mga kababayan. Saksi nga kayo sa araw na ito!”
11Sumagot ang mga tagapamahala ng bayan at ang lahat ng tao roon sa pintuan, “Oo, mga saksi nga kami. Nawaʼy bigyan din ng Panginoon ng maraming mga anak ang magiging asawa mo, katulad nina Raquel at Lea na pinagmulan ng bayan ng Israel. Nawaʼy maging mayaman ka sa Efrata at maging tanyag sa Bethlehem.
12Nawaʼy magpatanyag sa pamilya mo ang mga anak na ibibigay sa iyo ng Panginoon sa pamamagitan ng babaeng iyon katulad ng pamilya ni Peres, ang anak ni Juda kay Tamar.”