6Nang marinig ito ng lalaki, sinabi niya, “Kung ganoon, hindi ko na tutubusin ang lupa dahil baka magkaproblema pa ako sa sarili kong lupa dahil pati ang magiging anak namin ni Ruth ay may bahagi na sa lupa ko. Ikaw na lang ang tumubos, hindi ko kasi magagawa iyan.”
7Noong panahong iyon sa Israel, upang matiyak ang pagtubos ng lupa o ang paglipat ng karapatan sa pagtubos ng lupa, hinuhubad ng isang tao ang sandalyas niya at ibinibigay sa isa. Ganito ang ginagawa noon sa Israel bilang katibayan ng kanilang transaksyon.
8Kaya nang sabihin ng lalaki kay Boaz, “Ikaw na lang ang tumubos ng lupa,” hinubad agad niya ang kanyang sandalyas at ibinigay kay Boaz.
9Sinabi ni Boaz sa mga tagapamahala ng bayan at sa lahat ng tao roon, “Saksi kayo ngayong araw na nabili ko na kay Naomi ang lahat ng lupain ni Elimelec, Kilion at Mahlon.
10At bukod pa rito, pakakasalan ko si Ruth na Moabita, na biyuda ni Mahlon, para kapag nagkaanak kamiʼy mananatili ang lupain ni Mahlon sa kanyang pamilya, at hindi mawawala ang lahi niya sa kanyang mga kababayan. Saksi nga kayo sa araw na ito!”