Ruth 4

sinabi ni Boaz sa kamag-anak niya, “Bumalik na si Naomi mula sa Moab, at gusto niyang ipagbili ang lupa ng kamag-anak nating si Elimelec.

Ruth 4:3 (UKJV) And he said unto the kinsman, Naomi, that has come again out of the country of Moab, sells a parcel of land, which was our brother Elimelech's:

1Pumunta si Boaz sa pintuang-bayan at naupo roon. Nang dumaan ang sinasabi niyang mas malapít na kamag-anak na manunubos ni Elimelec, sinabi ni Boaz sa kanya, “Kaibigan, halikaʼt maupo ka.” Lumapit naman ang lalaki at naupo.

2At tinipon ni Boaz ang sampung mga tagapamahala ng bayan at pinaupo rin doon. At nang nakaupo na sila,

3sinabi ni Boaz sa kamag-anak niya, “Bumalik na si Naomi mula sa Moab, at gusto niyang ipagbili ang lupa ng kamag-anak nating si Elimelec.

4Naisip kong ipaalam ito sa iyo. Kaya kung gusto mo, bilhin mo ito sa harapan ng mga tagapamahala ng mga kababayan ko at ng iba pang mga nakaupo rito. Pero kung ayaw mo, sabihin mo at nang malaman ko. Kung tutuusin, ikaw ang may tungkuling tumubos nito, at pangalawa lang ako.” Sumagot ang lalaki, “Sige, tutubusin ko.”

5Ngunit sinabi ni Boaz, “Sa araw na tubusin mo ang lupa kay Naomi, kailangang kunin mo si Ruth, ang Moabitang biyuda, para kapag nagkaanak kayo, at mananatili ang lupa sa pamilya ng kamag-anak nating namatay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.