10Sapagkat marami ang kumokontra sa aral na ito, lalo na ang grupong ipinipilit ang pagtutuli. Walang kabuluhan ang kanilang mga sinasabi at mga mandaraya sila.
11Kailangang patahimikin sila, dahil nanggugulo sila ng mga sambahayan sa pangangaral ng mga bagay na hindi naman dapat ituro, para lang kumita ng salapi.
12Isang taga-Creta mismo na itinuturing nilang propeta ang nagsabi, “Ang mga taga-Creta ay sinungaling, asal-hayop, at mga batugang matatakaw.”
13Totoo ang kanyang sinabi. Kaya mahigpit mo silang pagsabihan upang maging tama ang kanilang pananampalataya
14at hindi na sila maniwala sa mga kathang-isip ng mga Hudyo o sa mga kautusang gawa-gawa lamang ng mga taong tumalikod sa katotohanan.