12Isang taga-Creta mismo na itinuturing nilang propeta ang nagsabi, “Ang mga taga-Creta ay sinungaling, asal-hayop, at mga batugang matatakaw.”
13Totoo ang kanyang sinabi. Kaya mahigpit mo silang pagsabihan upang maging tama ang kanilang pananampalataya
14at hindi na sila maniwala sa mga kathang-isip ng mga Hudyo o sa mga kautusang gawa-gawa lamang ng mga taong tumalikod sa katotohanan.
15Sa mga malinis ang isipan, malinis rin ang lahat ng bagay. Ngunit sa mga marumi ang isipan at hindi sumasampalataya, walang anumang malinis. Ang totoo, narumihan ang kanilang isipan at budhi.
16Sinasabi nilang kilala nila ang Diyos, ngunit hindi naman nakikita sa kanilang mga gawa. Silaʼy kasuklam-suklam, masuwayin at walang kakayahang gumawa ng mabuti.