Tito 1

Iniwan kita sa Creta upang tapusin ang mga gawaing hindi ko natapos, at pumili ng mga pinuno ng iglesya sa bawat bayan, gaya ng bilin ko saʼyo.

Titus 1:5 (UKJV) For this cause left I you in Crete, that you should set in order the things that are lacking, and ordain elders in every city, as I had appointed you:

3At ngayon na ang panahong itinakda niya upang maihayag ang kanyang salita tungkol sa buhay na ito. At sa akin ipinagkatiwala ng Diyos na ating Tagapagligtas ang pangangaral ng salitang ito.

4Mahal kong Tito, ang aking tunay na anak sa iisang pananampalataya: Sumaiyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at sa ating Tagapagligtas na si Kristo Hesus.

5Iniwan kita sa Creta upang tapusin ang mga gawaing hindi ko natapos, at pumili ng mga pinuno ng iglesya sa bawat bayan, gaya ng bilin ko saʼyo.

6Piliin mo ang taong walang kapintasan, tapat sa kanyang asawa, mananampalataya ang kanyang mga anak at hindi sila napaparatangang nanggugulo o matigas ang ulo.

7Sapagkat ang isang tagapangasiwa ng iglesya ng Diyos ay kailangang walang kapintasan; hindi siya mayabang, hindi madaling magalit, hindi lasenggo, hindi basagulero, at hindi gahaman sa pera.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.