Tito 2

at huwag nilang pagnakawan ang mga ito, kundi ipakita nilang silaʼy lubusang mapagkakatiwalaan. Nang sa ganoon, maipapakita nila sa lahat ng kanilang ginagawa ang kagandahan ng ating mga itinuturo tungkol sa Diyos na ating Tagapagligtas.

Titus 2:10 (UKJV) Not embezzling, but showing all good fidelity; that they may adorn the doctrine of God our Saviour in all things.

8Tiyakin mong tama ang iyong itinuturo at walang maipipintas dito, upang ang mga sumasalungat saʼyo ay mapahiya dahil wala silang masabing masama sa atin.

9Turuan mo ang mga alipin na maging masunurin sa kanilang mga amo sa lahat ng bagay, upang masiyahan ang mga ito. Huwag silang maging palasagot sa kanilang amo,

10at huwag nilang pagnakawan ang mga ito, kundi ipakita nilang silaʼy lubusang mapagkakatiwalaan. Nang sa ganoon, maipapakita nila sa lahat ng kanilang ginagawa ang kagandahan ng ating mga itinuturo tungkol sa Diyos na ating Tagapagligtas.

11Sapagkat nahayag na ang kagandahang loob ng Diyos na nagbibigay ng kaligtasan sa lahat ng tao.

12Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Ito rin ang nagtuturo sa atin kung paano mamuhay sa mundong ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at maka-Diyos,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.