Tito 3

Paalalahanan mo ang mga mananampalataya na magpasakop at sumunod sa mga maykapangyarihan. Kailangang palagi silang handa sa paggawa ng mabuti.

Titus 3:1 (UKJV) Put them in mind to be subject to principalities and powers, to obey magistrates, to be ready to every good work,

1Paalalahanan mo ang mga mananampalataya na magpasakop at sumunod sa mga maykapangyarihan. Kailangang palagi silang handa sa paggawa ng mabuti.

2Huwag silang manira ng kapwa, at huwag maging palaaway; sa halip, maging mahinahon sila at laging magalang sa lahat.

3Sapagkat noong una, tayo rin ay mga mangmang at suwail. Nilinlang at inalipin tayo ng lahat ng uri ng pagnanasa at luho. Puno ng kasamaan at inggit ang ating buhay. Kinasuklaman tayo ng iba, at kinasuklaman din natin sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.