Tito 3

Ang mga salitang itoʼy mapagkakatiwalaan. Kaya gusto kong bigyang-diin mo ang mga bagay na ito upang ang mga nagtitiwala sa Diyos ay magsikap sa paggawa ng mabuti. Ang mga itoʼy nakabubuti at kapaki-pakinabang sa lahat.

Titus 3:8 (UKJV) This is a faithful saying, and these things I will that you affirm constantly, that they which have believed in God might be careful to maintain good works. These things are good and profitable unto men.

6Masaganang ibinigay sa atin ng Diyos ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na ating Tagapagligtas,

7upang sa kanyang kagandahang-loob ay maituring tayong matuwid at makamtan natin ang buhay na walang hanggan na ating inaasahan.

8Ang mga salitang itoʼy mapagkakatiwalaan. Kaya gusto kong bigyang-diin mo ang mga bagay na ito upang ang mga nagtitiwala sa Diyos ay magsikap sa paggawa ng mabuti. Ang mga itoʼy nakabubuti at kapaki-pakinabang sa lahat.

9Iwasan mo ang mga walang kuwentang pagtatalo-talo, ang pagsasaliksik sa talaan ng mga ninuno, at ang mga away at debate tungkol sa Kautusan, dahil wala itong pakinabang at walang saysay.

10Pagsabihan mo nang dalawang beses ang taong sumisira sa inyong pagkakaisa. Ngunit kung pagkatapos mo siyang pagsabihan nang dalawang beses ay ayaw pa rin niyang makinig, iwasan mo na siya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.