Zacarias 1

“Sinabi ng anghel na sabihin ko pa itong ipinasasabi ng Makapangyarihang Panginoon: ‘Uunlad muli ang aking mga bayan sa Juda. At aaliwin kong muli ang Zion, ang lungsod ng Jerusalem, at muli ko itong ituturing na hinirang kong bayan.’ ”

Zechariah 1:17 (UKJV) Cry yet, saying, Thus says the LORD of hosts; My cities through prosperity shall yet be spread abroad; and the LORD shall yet comfort Zion, and shall yet choose Jerusalem.

15at matindi ang galit ko sa mga bansang akala ay ligtas sila. Hindi ako gaanong galit sa aking mamamayan noon, ngunit naging labis naman ang kasamaang ipinaranas ng mga bansa sa kanila.’

16“Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Babalik akong may awa sa Jerusalem, at itatayo kong muli ang lungsod na ito pati na ang aking templo,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

17“Sinabi ng anghel na sabihin ko pa itong ipinasasabi ng Makapangyarihang Panginoon: ‘Uunlad muli ang aking mga bayan sa Juda. At aaliwin kong muli ang Zion, ang lungsod ng Jerusalem, at muli ko itong ituturing na hinirang kong bayan.’ ”

18Pagkatapos, tumingala ako at nakita ko ang apat na sungay.

19Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano ang ibig sabihin ng mga sungay na ito?” Sumagot siya, “Ang mga sungay ay ang mga bansang nagpakalat sa mga mamamayan ng Israel, Juda, at Jerusalem.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.