16“Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: ‘Babalik akong may awa sa Jerusalem, at itatayo kong muli ang lungsod na ito pati na ang aking templo,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
17“Sinabi ng anghel na sabihin ko pa itong ipinasasabi ng Makapangyarihang Panginoon: ‘Uunlad muli ang aking mga bayan sa Juda. At aaliwin kong muli ang Zion, ang lungsod ng Jerusalem, at muli ko itong ituturing na hinirang kong bayan.’ ”
18Pagkatapos, tumingala ako at nakita ko ang apat na sungay.
19Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano ang ibig sabihin ng mga sungay na ito?” Sumagot siya, “Ang mga sungay ay ang mga bansang nagpakalat sa mga mamamayan ng Israel, Juda, at Jerusalem.”
20Pagkatapos, ipinakita sa akin ng Panginoon ang apat na panday.