5At sasabihin ng mga pinuno ng Juda sa kanilang sarili, ‘Matatag ang mga mamamayan ng Jerusalem dahil ang Panginoon ng mga Hukbo ang kanilang Diyos.’
6“Sa araw na iyon, ang mga pinuno ng Juda ay gagawin kong tulad ng naglalagablab na baga sa nakabuntong mga kahoy o tulad ng naglalagablab na sulo sa nakabigkis na mga uhay. Lilipulin nila ang mga bansa sa palibot nila. Pero ang mga taga-Jerusalem ay hindi mapapahamak.
7“Ililigtas muna ng Panginoon ang hukbo ng Juda upang ang karangalan ng mga angkan ni David at ng mga nakatira sa Jerusalem ay hindi makahihigit kaysa sa Juda.
8Sa araw na iyon, iingatan ng Panginoon ang mga nakatira sa Jerusalem upang kahit na ang pinakamahina sa kanila ay magiging kasinlakas ni David. Ang mga angkan ni David ay magiging parang Diyos, parang anghel ng Panginoon na nangunguna sa kanila.
9Sa araw na iyon, lilipulin ko ang lahat ng bansang sasalakay sa Jerusalem.