Zacarias 13

“Ang mga propetang iyon ay mapapahiya sa mga sinasabi nilang pangitain. Hindi na sila magsusuot ng mabalahibong damit na pampropeta upang manlinlang.

Zechariah 13:4 (UKJV) And it shall come to pass in that day, that the prophets shall be ashamed every one of his vision, when he has prophesied; neither shall they wear a rough garment to deceive:

2“Sa araw na iyon, aalisin ko ang mga diyos-diyosan sa lupain ng Israel at hindi na sila maaalala. Aalisin ko sa Israel ang mga huwad na propeta at ang maruruming espiritung nasa kanila.

3At kung mayroon pang magpapanggap na propeta, ang mga magulang niya mismo ang magbibigay ng babala na karapat-dapat siyang patayin, dahil nagsasalita siya ng kasinungalingan at sinasabi pa na ang mensahe niya ay mula sa Panginoon. At kung patuloy pa rin siyang magpapanggap na propeta, ang amaʼt ina niya mismo ang sasaksak sa kanya.

4“Ang mga propetang iyon ay mapapahiya sa mga sinasabi nilang pangitain. Hindi na sila magsusuot ng mabalahibong damit na pampropeta upang manlinlang.

5Bawat isaʼy magsasabi, ‘Hindi ako propeta; isa akong magsasaka at mula sa aking pagkabataʼy nagbubungkal na ako ng lupa.’

6At kung may magtatanong, ‘Ano itong mga sugat sa iyong katawan?’ sasagot sila, ‘Nakuha ko ito sa bahay ng aking mga kaibigan.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.