Zacarias 13

At kung may magtatanong, ‘Ano itong mga sugat sa iyong katawan?’ sasagot sila, ‘Nakuha ko ito sa bahay ng aking mga kaibigan.’ ”

Zechariah 13:6 (UKJV) And one shall say unto him, What are these wounds in yours hands? Then he shall answer, Those with which I was wounded in the house of my friends.

4“Ang mga propetang iyon ay mapapahiya sa mga sinasabi nilang pangitain. Hindi na sila magsusuot ng mabalahibong damit na pampropeta upang manlinlang.

5Bawat isaʼy magsasabi, ‘Hindi ako propeta; isa akong magsasaka at mula sa aking pagkabataʼy nagbubungkal na ako ng lupa.’

6At kung may magtatanong, ‘Ano itong mga sugat sa iyong katawan?’ sasagot sila, ‘Nakuha ko ito sa bahay ng aking mga kaibigan.’ ”

7Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Ihanda ang espada! Patayin ang pastol na aking lingkod. Patayin siya at magkakawatak-watak ang mga tupa. At parurusahan ko sila.

8Mamamatay ang dalawa sa tatlong bahagi ng mga tao sa buong lupain ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.