6At kung may magtatanong, ‘Ano itong mga sugat sa iyong katawan?’ sasagot sila, ‘Nakuha ko ito sa bahay ng aking mga kaibigan.’ ”
7Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Ihanda ang espada! Patayin ang pastol na aking lingkod. Patayin siya at magkakawatak-watak ang mga tupa. At parurusahan ko sila.
8Mamamatay ang dalawa sa tatlong bahagi ng mga tao sa buong lupain ng Israel.
9At ang ikatlong bahaging matitira ay lilinisin ko tulad ng pilak na dinadalisay ng apoy. Susubukin ko sila tulad ng gintong sinusubok sa apoy kung tunay o hindi. Tatawag sila sa akin at diringgin ko sila. Sasabihin ko, ‘Sila ang aking mga mamamayan.’ At sasabihin din nila, ‘Ang Panginoon ang aming Diyos.’ ”