Zacarias 14

Sa araw na iyon, lubhang lilituhin ng Panginoon ang mga taong iyon. Ang bawat isa sa kanila ay sasalakay sa kanilang kapwa at maglalaban-laban.

Zechariah 14:13 (UKJV) And it shall come to pass in that day, that a great tumult from the LORD shall be among them; and they shall lay hold every one on the hand of his neighbour, and his hand shall rise up against the hand of his neighbour.

11Ang Jerusalem ay hindi na muling wawasakin, at ang mga mamamayan nito ay mamumuhay nang ligtas sa panganib.

12Ito ang salot na ipapadala ng Panginoon na mararanasan ng mga bansang sumalakay sa Jerusalem: Mabubulok ang kanilang mga laman habang nakatayo pa sila, ang kanilang mga mata sa lalagyan nito, at ang kanilang mga dila sa loob ng kanilang bibig.

13Sa araw na iyon, lubhang lilituhin ng Panginoon ang mga taong iyon. Ang bawat isa sa kanila ay sasalakay sa kanilang kapwa at maglalaban-laban.

14Makikipaglaban din ang Juda doon sa Jerusalem. Sasamsamin at titipunin nila ang mga kayamanan ng mga bansa sa palibot nila: ang napakaraming ginto, pilak at mga damit.

15Ganito ring salot ang darating sa lahat ng mga hayop sa kanilang kampo, pati na sa kanilang mga kabayo, mola, kamelyo, at asno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.