Zacarias 14

Tatakas ang mga mamamayan nito sa lambak na umaabot hanggang sa Azel. Tatakas sila katulad ng ginawa ng kanilang mga ninuno noong lumindol sa panahon ni Haring Uzias ng Juda. At darating ang Panginoon na kanilang Diyos kasama ang lahat ng mga anghel niya.

Zechariah 14:5 (UKJV) And all of you shall flee to the valley of the mountains; for the valley of the mountains shall reach unto Azal: yea, all of you shall flee, like all of you fled from before the earthquake in the days of Uzziah king of Judah: and the LORD my God shall come, and all the saints with you.

3Pagkatapos, makikipaglaban ang Panginoon sa mga bansang iyon, katulad ng ginawa niya sa panahon ng digmaan noon.

4Sa araw na iyon, tatayo siya sa Bundok ng mga Olibo, sa silangan ng Jerusalem. Mahahati ang bundok na ito mula sa silangan hanggang sa kanluran. Ang kalahati ng bundok ay lilipat pahilaga at ang kalahati naman ay lilipat patimog. At magiging malawak na lambak ang gitna nito.

5Tatakas ang mga mamamayan nito sa lambak na umaabot hanggang sa Azel. Tatakas sila katulad ng ginawa ng kanilang mga ninuno noong lumindol sa panahon ni Haring Uzias ng Juda. At darating ang Panginoon na kanilang Diyos kasama ang lahat ng mga anghel niya.

6Sa araw na iyon ay walang init o lamig.

7Magiging katangi-tangi ang araw na iyon, dahil walang gabi kundi panay araw lang. Ang Panginoon lamang ang nakakaalam kung kailan ito mangyayari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.