Zacarias 14

Pagkatapos, makikipaglaban ang Panginoon sa mga bansang iyon, katulad ng ginawa niya sa panahon ng digmaan noon.

Zechariah 14:3 (UKJV) Then shall the LORD go forth, and fight against those nations, as when he fought in the day of battle.

1Darating ang araw ng paghatol ng Panginoon. Paghahatian ng mga kaaway ang mga ari-ariang sinamsam nila sa Jerusalem habang nakatingin ang mga mamamayan nito.

2Titipunin niya ang lahat ng bansa upang labanan ang Jerusalem. Sasakupin nila ang lungsod na ito, lolooban ang mga bahay, at pagsasamantalahan ang mga babae. Ang kalahati ng mga mamamayan nito ay dadalhin sa ibang lugar, pero ang matitira sa kanila ay mananatili dito.

3Pagkatapos, makikipaglaban ang Panginoon sa mga bansang iyon, katulad ng ginawa niya sa panahon ng digmaan noon.

4Sa araw na iyon, tatayo siya sa Bundok ng mga Olibo, sa silangan ng Jerusalem. Mahahati ang bundok na ito mula sa silangan hanggang sa kanluran. Ang kalahati ng bundok ay lilipat pahilaga at ang kalahati naman ay lilipat patimog. At magiging malawak na lambak ang gitna nito.

5Tatakas ang mga mamamayan nito sa lambak na umaabot hanggang sa Azel. Tatakas sila katulad ng ginawa ng kanilang mga ninuno noong lumindol sa panahon ni Haring Uzias ng Juda. At darating ang Panginoon na kanilang Diyos kasama ang lahat ng mga anghel niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.