6Sa araw na iyon ay walang init o lamig.
7Magiging katangi-tangi ang araw na iyon, dahil walang gabi kundi panay araw lang. Ang Panginoon lamang ang nakakaalam kung kailan ito mangyayari.
8Sa araw na iyon, dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay mula sa Jerusalem. Ang kalahati nitoʼy dadaloy sa Dagat na Patay at ang kalahatiʼy sa Dagat ng Mediteraneo. Patuloy itong dadaloy sa panahon ng tag-araw at taglamig.
9Ang Panginoon ang maghahari sa buong mundo. Siya lamang ang kikilalaning Diyos at wala nang iba.
10Gagawing kapatagan ang buong lupain mula sa Gibea hanggang sa Rimon sa timog ng Jerusalem. Kaya mananatiling mataas ang Jerusalem sa kinaroroonan nito. At titirhan ito mula sa Pintuan ni Benjamin hanggang sa lugar na kinaroroonan ng Unang Pintuan, at hanggang sa Sulok na Pintuan; at mula sa Tore ni Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.