Zacarias 14

Gagawing kapatagan ang buong lupain mula sa Gibea hanggang sa Rimon sa timog ng Jerusalem. Kaya mananatiling mataas ang Jerusalem sa kinaroroonan nito. At titirhan ito mula sa Pintuan ni Benjamin hanggang sa lugar na kinaroroonan ng Unang Pintuan, at hanggang sa Sulok na Pintuan; at mula sa Tore ni Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.

Zechariah 14:10 (UKJV) All the land shall be turned as a plain from Geba to Rimmon south of Jerusalem: and it shall be lifted up, and inhabited in her place, from Benjamin's gate unto the place of the first gate, unto the corner gate, and from the tower of Hananeel unto the king's winepresses.

8Sa araw na iyon, dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay mula sa Jerusalem. Ang kalahati nitoʼy dadaloy sa Dagat na Patay at ang kalahatiʼy sa Dagat ng Mediteraneo. Patuloy itong dadaloy sa panahon ng tag-araw at taglamig.

9Ang Panginoon ang maghahari sa buong mundo. Siya lamang ang kikilalaning Diyos at wala nang iba.

10Gagawing kapatagan ang buong lupain mula sa Gibea hanggang sa Rimon sa timog ng Jerusalem. Kaya mananatiling mataas ang Jerusalem sa kinaroroonan nito. At titirhan ito mula sa Pintuan ni Benjamin hanggang sa lugar na kinaroroonan ng Unang Pintuan, at hanggang sa Sulok na Pintuan; at mula sa Tore ni Hananel hanggang sa pisaan ng ubas ng hari.

11Ang Jerusalem ay hindi na muling wawasakin, at ang mga mamamayan nito ay mamumuhay nang ligtas sa panganib.

12Ito ang salot na ipapadala ng Panginoon na mararanasan ng mga bansang sumalakay sa Jerusalem: Mabubulok ang kanilang mga laman habang nakatayo pa sila, ang kanilang mga mata sa lalagyan nito, at ang kanilang mga dila sa loob ng kanilang bibig.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.