Zacarias 2

At muling aangkinin ng Panginoon ang Juda bilang kanyang bahagi sa banal na lupain. At ang Jerusalem ay muli niyang ituturing na kanyang piniling lungsod.

Zechariah 2:12 (UKJV) And the LORD shall inherit Judah his portion in the holy land, and shall choose Jerusalem again.

10Sinabi ng Panginoon, “Sumigaw kayo sa kagalakan, kayong mga taga-Zion, dahil darating ako at maninirahang kasama ninyo.

11At sa panahong iyon, maraming bansa ang magpapasakop sa akin. At sila rin ay magiging mga mamamayan ko.” Kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagpadala sa akin dito sa inyo.

12At muling aangkinin ng Panginoon ang Juda bilang kanyang bahagi sa banal na lupain. At ang Jerusalem ay muli niyang ituturing na kanyang piniling lungsod.

13Manahimik kayong lahat ng tao sa harapan ng Panginoon, dahil kumikilos siya mula sa kanyang banal na tahanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.