8Pagkatapos kong makita ang pangitaing iyon, sinugo ako ng Panginoon na magsalita laban sa mga bansang sumalakay sa inyo at sumamsam ng inyong mga ari-arian. Sapagkat ang sinumang gumagawa ng masama sa inyo ay para na ring gumagawa ng masama sa mahal ng Panginoon. At ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo:
9“Parurusahan ko sila; sasalakayin sila ng kanilang mga alipin at sasamsamin ang kanilang mga ari-arian.” At kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagpadala sa akin.
10Sinabi ng Panginoon, “Sumigaw kayo sa kagalakan, kayong mga taga-Zion, dahil darating ako at maninirahang kasama ninyo.
11At sa panahong iyon, maraming bansa ang magpapasakop sa akin. At sila rin ay magiging mga mamamayan ko.” Kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagpadala sa akin dito sa inyo.
12At muling aangkinin ng Panginoon ang Juda bilang kanyang bahagi sa banal na lupain. At ang Jerusalem ay muli niyang ituturing na kanyang piniling lungsod.