Zacarias 2

“Parurusahan ko sila; sasalakayin sila ng kanilang mga alipin at sasamsamin ang kanilang mga ari-arian.” At kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagpadala sa akin.

Zechariah 2:9 (UKJV) For, behold, I will shake mine hand upon them, and they shall be a spoil to their servants: and all of you shall know that the LORD of hosts has sent me.

7“Halikayo! Tumakas na kayo, kayong mga taga-Zion na binihag at dinala sa Babilonia.”

8Pagkatapos kong makita ang pangitaing iyon, sinugo ako ng Panginoon na magsalita laban sa mga bansang sumalakay sa inyo at sumamsam ng inyong mga ari-arian. Sapagkat ang sinumang gumagawa ng masama sa inyo ay para na ring gumagawa ng masama sa mahal ng Panginoon. At ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo:

9“Parurusahan ko sila; sasalakayin sila ng kanilang mga alipin at sasamsamin ang kanilang mga ari-arian.” At kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagpadala sa akin.

10Sinabi ng Panginoon, “Sumigaw kayo sa kagalakan, kayong mga taga-Zion, dahil darating ako at maninirahang kasama ninyo.

11At sa panahong iyon, maraming bansa ang magpapasakop sa akin. At sila rin ay magiging mga mamamayan ko.” Kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagpadala sa akin dito sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.