Zacarias 2

Pagkatapos kong makita ang pangitaing iyon, sinugo ako ng Panginoon na magsalita laban sa mga bansang sumalakay sa inyo at sumamsam ng inyong mga ari-arian. Sapagkat ang sinumang gumagawa ng masama sa inyo ay para na ring gumagawa ng masama sa mahal ng Panginoon. At ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo:

Zechariah 2:8 (UKJV) For thus says the LORD of hosts; After the glory has he sent me unto the nations which spoiled you: for he that touches you touches the apple of his eye.

6“Sinabi ng Panginoon, Sige na! Magmadali kayong tumakas sa Babiloniang nasa hilaga, sapagkat katulad ng apat na hangin ng langit ay ikinalat ko kayo sa lahat ng sulok ng mundo.

7“Halikayo! Tumakas na kayo, kayong mga taga-Zion na binihag at dinala sa Babilonia.”

8Pagkatapos kong makita ang pangitaing iyon, sinugo ako ng Panginoon na magsalita laban sa mga bansang sumalakay sa inyo at sumamsam ng inyong mga ari-arian. Sapagkat ang sinumang gumagawa ng masama sa inyo ay para na ring gumagawa ng masama sa mahal ng Panginoon. At ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo:

9“Parurusahan ko sila; sasalakayin sila ng kanilang mga alipin at sasamsamin ang kanilang mga ari-arian.” At kapag nangyari na ito, malalaman ninyo na ang Panginoon ng mga Hukbo ang nagpadala sa akin.

10Sinabi ng Panginoon, “Sumigaw kayo sa kagalakan, kayong mga taga-Zion, dahil darating ako at maninirahang kasama ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.