4at sinabi sa kanya, “Magmadali ka, sabihin mo sa lalaking may dalang panukat na ang Jerusalem ay magiging lungsod na walang pader dahil sa sobrang dami ng kanyang mga mamamayan at mga hayop.
5Sinabi ng Panginoon na siya mismo ang magiging pader na apoy sa paligid ng lungsod ng Jerusalem, at siya rin ang magiging dakila sa bayan na ito.”
6“Sinabi ng Panginoon, Sige na! Magmadali kayong tumakas sa Babiloniang nasa hilaga, sapagkat katulad ng apat na hangin ng langit ay ikinalat ko kayo sa lahat ng sulok ng mundo.
7“Halikayo! Tumakas na kayo, kayong mga taga-Zion na binihag at dinala sa Babilonia.”
8Pagkatapos kong makita ang pangitaing iyon, sinugo ako ng Panginoon na magsalita laban sa mga bansang sumalakay sa inyo at sumamsam ng inyong mga ari-arian. Sapagkat ang sinumang gumagawa ng masama sa inyo ay para na ring gumagawa ng masama sa mahal ng Panginoon. At ito ang sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo: