6Ang karwaheng hinihila ng mga itim na kabayo ay papunta sa isang lugar sa hilaga. Ang karwaheng hinihila ng mga puting kabayo ay papunta sa kanluran. At ang karwaheng hinihila ng mga batik-batik na kabayo ay papunta sa isang lugar sa timog.”
7Nang papalabas pa lang ang malalakas na kabayo, nagmamadali na silang lumibot sa buong mundo. Sinabi ng anghel sa kanila, “Sige, libutin na ninyo ang buong mundo.” Kaya nilibot nila ang buong mundo.
8At malakas na sinabi ng Panginoon sa akin, “Tingnan mo ang mga kabayong patungo sa isang lugar sa hilaga. Sila ang magbibigay ng kapahingahan sa aking Espiritu sa dakong iyon sa hilaga.”
9Sinabi ng Panginoon sa akin,
10“Kunin mo ang regalong pilak at ginto na dala nina Heldai, Tobias, at Jedaias, mga bihag na nagsibalik mula sa Babilonia. Pagkatapos, pumunta ka agad sa bahay ni Josias na anak ni Zefanias.