Zacarias 7

sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga pari sa Templo ng Panginoon ng mga Hukbo at sa mga propeta, “Kailangan pa ba naming magluksa at mag-ayuno sa ikalimang buwan upang alalahanin ang pagkagiba ng Templo, gaya ng maraming taon na naming ginagawa?”

Zechariah 7:3 (UKJV) And to speak unto the priests which were in the house of the LORD of hosts, and to the prophets, saying, Should I weep in the fifth month, separating myself, as I have done these so many years?

1Sa ika-apat na taon ng paghahari ni Dario, nagpahayag ang Panginoon kay Zacarias. Nangyari ito noong ika-apat na araw ng ikasiyam na buwan, ang buwan ng Kislev.

2Nangyari ito matapos ipadala ng mga mamamayan ng Betel si Sharezer at si Regem Melec, kasama ang kanilang mga tauhan, upang idulog sa Panginoon

3sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga pari sa Templo ng Panginoon ng mga Hukbo at sa mga propeta, “Kailangan pa ba naming magluksa at mag-ayuno sa ikalimang buwan upang alalahanin ang pagkagiba ng Templo, gaya ng maraming taon na naming ginagawa?”

4At ito ang mensahe ng Panginoon ng mga Hukbo sa akin:

5“Sabihin mo sa lahat ng mga mamamayan ng Israel pati sa mga pari, na ang kanilang pag-aayuno at pagluluksa sa bawat ikalima at ikapitong buwan sa loob ng pitumpung taon ay hindi nila ginagawa para sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.