17Huwag kayong magbalak ng masama laban sa inyong kapwa, at huwag kayong susumpa ng kasinungalingan dahil ang lahat ng iyan ay aking kinapopootan.”
18Nagpahayag ang Panginoon ng mga Hukbo kay Zacarias.
19Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “Ang pag-aayuno sa ikaapat, ikalima, ikapito at ikasampung buwan ay magiging masayang araw ng pagdiriwang para sa mga taga-Juda. Kaya pahalagahan ninyo ang katotohanan at kapayapaan.”
20Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “Maraming tao ang darating sa Jerusalem mula sa ibaʼt ibang lungsod.
21Ang mga mamamayan ng isang lungsod ay pupunta sa isang lungsod at sasabihin nila, ‘Pupunta kami para dumulog at manalangin sa Panginoon ng mga Hukbo. Halikayo, sumáma kayo sa amin.’