21Ang mga mamamayan ng isang lungsod ay pupunta sa isang lungsod at sasabihin nila, ‘Pupunta kami para dumulog at manalangin sa Panginoon ng mga Hukbo. Halikayo, sumáma kayo sa amin.’
22Maraming taong mula sa makapangyarihang mga bansa ang pupunta sa Jerusalem upang dumulog at manalangin sa Panginoon ng mga Hukbo.”
23Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “At sa araw na iyon, sampung dayuhan na galing sa ibang mga bansa na may ibaʼt ibang wika ang lalapit sa isang Hudyo at sasabihin, ‘Gusto naming sumama sa inyo, dahil narinig namin na ang Diyos ay kasama ninyo.’ ”